
AltM Radio
By AlterMidya Network

AltM Radio Sep 13, 2023

Break it down: Presyo ng bigas
Sa latest episode ng BREAK IT DOWN, pag-usapan natin ang murang bigas. Makakasama natin si Rosario Guzman ng IBON Foundation para himayin kung bakit nagmamahal ang presyo ng bigas!

Break It Down: Inflation
Bumababa na raw ang inflation rate, pero bakit parang hindi naman nararamdaman? Sa pilot episode ng BREAK IT DOWN, pag-usapan natin ang salitang INFLATION. Panoorin si Sonny Africa ng @IBONFoundation sa programang naghihimay ng akala nating ay kumplikadong salita. Ang BREAK IT DOWN ay programa ng Altermidya at IBON Foundation 🔥

TAMBAYAN Episode 2: Kumusta ang Wyeth Workers?
Sa ikalawang episode ng Tambayan, pinuntahan natin ang mga manggagawa ng Wyeth na kamakailan ay kumaharap sa biglang tanggalan. Para sa mga manggagawa, naging matagumpay pa rin ang paggiit nila sa kanilang karapatan. Kumusta na nga ba sila?
Mapapanood din ang Tambayan sa iba't ibang social media pages ng Altermidya Network

TAMBAYAN: Kumusta na ang mga magsasaka ng Hacienda Tinang isang taon matapos ang marahas na pag-aresto sa #Tinang83?
Samahan ang aming Chairperson, Raymund B. Villanueva, sa pilot episode ng TAMBAYAN.
Sa unang episode, dinalaw natin ang tambayan ng mga magsasaka ng Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. Kakatanggap lang nila ng dokumentong ipinagkakaloob na sa mga agrarian reform beneficiaries ang lupang kanilang sinasaka.
Kumusta na nga ba ang mga magsasaka sa Hacienda Tinang isang taon matapos ang marahas na pag-aresto sa #Tinang83 at ang inaasahang installation nila sa lupa?

ALAB ANALYSIS: Maharlika Fund, mabuti ba sa ekonomiya?
Ngayong linggo, nasaksihan natin kung paanong sa kabila ng mariing pagtutol ng iba’t ibang grupo, niratsada pa rin ng Senado ang pagpasa sa Senate Bill No. 2020 o ang Maharlika Investment Fund Bill. Ang tanong: bakit ba ganoon na lang ang pagmamadaling maipasa ang panukalang ito? Makabubuti nga ba ang Maharlika sa ekonomiya?
Makakasama natin ngayong gabi ang dalawang eksperto – sina dating Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Gov. Diwa Guinigundo at Sonny Africa ng IBON Foundation.

ALAB Analysis with Inday Espina-Varona (May 19, 2023) | Political Prisoners at PH Justice System
Mahigit 700 na ang political prisoners sa bansa. Marami sa kanila ang mabagal ang usad ng kaso tulad kay former senator Leila de Lima, na ipinakulong ng Duterte administration habang bahagi ng oposisyon. Makatwiran bang makulong ang isang indibidwal dahil sa pulitikal na paninindigan?

ALAB Analysis: Comfort Women--Karahasan ng Digmaan
Uncomfortable truth: As we end Women's Month, it is just right to extol that fight of 'comfort women'--and let us be reminded of the cruelty during war.
Listen to Inday Espina-Varona's interview with 'comfort women' during the World War II in this special episode of ALAB Analysis.

ALAB Analysis (#CommutersNaman: Transport Crisis, Ano ang Solusyon?) | March 3, 2023
Palalalimin kung bakit nga ba palala nang palala ang krisis sa transportasyon Sama-sama nating pakinggan ang veteran journalist na si Inday Espina-Varona kasama sina Ira Cruz ng AltMobility PH at Ramir Mangila ng LABAN TNVS.

PAKI-EXPLAIN: U.S. Military bases sa Pinas
Nabalita kamakailan na planong dagdagan ang "agreed locations" ng US military sa Pilipinas. Sa gitna ng sigalot sa West Philippine Sea, bakit gustong palawakin ng Estados Unidos ang presensya nito sa bansa? Ano ang epekto nito sa soberanya natin? Sasagutin lahat 'yan sa pinakabagong show ng Altermidya, ang PAKI-EXPLAIN!

RIGHTS WATCH: 'Terrorist' Designation
In this episode of Rights Watch, Atty. Josa Deinla discusses the impacts of 'terrorist' designation on organizations and individuals by the Anti-Terrorism Council (ATC) and what are the remedies.

ALAB Analysis (ICC investigation, usapin ng soberanya?) | February 3, 2023
Sa pag-anunsyo ng International Criminal Court na ipagpapatuloy na nito ang imbestigasyon sa kasong “crimes against humanity” na nakasampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga dating opisyal ng kanyang administrasyon kaugnay ng madugong ‘War on Drugs,’ halos sabay-sabay ang naging sagot ng mga nasa gobyerno: labag ito sa soberanya ng Pilipinas. Bakit biglang napasok ang usapin ng soberanya kahit hustisya naman ang hiling sa ICC investigation?
‘Yan ang laman ng talakayan kasama sina Atty. Krissy Conti at Atty. Neri Colmenares sa pinakabagong episode ng #ALABAnalysis!

Kumusta ang SIM Registration experience mo?
Kasama ang #JunkSIMRegistration network, pinag-usapan natin ang unang linggo ng implementasyon ng SIM Registration Law at ano ang karanasan ng ordinaryong mamamayan dito. Ano nga ba ang violations na nakita ng data privacy advocates sa pagpapatupad nito. Pakinggan:

ALAB Analysis: 'War on Drugs', anong itsura sa ilalim ni Marcos Jr?
Isa sa masasabing pinakamalagim na legasiyang iniwan ng Duterte administration ang madugong “War on Drugs.” Pero ngayong iba na ang administrasyon, maraming tanong ang namumutawi: Paano na ang hustisya para sa mga biktima at kanilang pamilya? Matitigil na ba ang mga madugong pagpatay, o tuloy pa rin?
'Yan ang laman ng talakayan sa pinakabagong episode ng #ALABAnalysis, kasama sina Carlos Conde ng Human Rights Watch, Llore Pasco Benedicto ng Rise Up for Life and for Rights, at drug policy reform advocate na si Atty. Henrie Enaje.

ALAB Analysis (Masagana 99: Ang Pagbabalik)
MAALAB NA PAGBATI PILIPINAS!
Balak daw ng Marcos Jr administration na ibalik ang programang Masagana 99, na sinimulan noong panahon ni Marcos Sr. Pero bakit umaalma ang mga magsasaka sa muling pagbuhay ng programang ito?
Tatalakayin ‘yan sa episode ng #ALAB para ngayong Buwan ng Pesante!

ALAB Analysis (Marcos Years: Golden Age?) | Setyembre 16, 2022
"Golden age" nga ba ang Martial Law?
Napapanahong pag-usapan 'yan sa 50th anniversary ng Martial Law.
Samahan sina Atty Chel Diokno at ekonomistang si JC Punongbayan sa latest episode ng #AlabAnalysis
Sama-sama nating pakinggan ang #ALAB!

ALAB Analysis: Sa Fake News Era, Pelikula Pa'No Na?
Sa panahong laganap ang fake news at historical distortion, anong papel ang ginagampanan ng sining, lalo na ng pelikula? ‘Yan ang tatalakayin natin ngayon sa #ALABAnalysis! Pakinggan at sumali sa diskusyon!

ALAB Analysis with Inday Espina-Varona: Marcos Jr., What's the Plan?
MAALAB NA PAGBATI PILIPINAS!
Nakailang linggo nang nakaupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pero ang pangakong "comprehensive all-inclusive plan for economic transformation" niya, mistulang lista sa tubig pa rin daw.
'Yan ang pag-uusapan sa bagong episode ng #ALABAnalysis, kasama ang mga ekonomistang si Emmanuel Leyco at Sonny Africa.

ALAB Analysis with Inday Espina-Varona: Imeldific comeback?
Imeldific comeback?
Samahan ang veteran journalist na si Inday Espina-Varona kasama sina Bibeth Orteza ng Concerned Artists of the Philippines at Bonifacio Ilagan ng CARMMA sa talakayan:

Payong Ligal: Tinanggal na mga manggagawa
Nanalo na sa Supreme Court ang kaso pero ayaw pa rin pabalikin ang mga manggagawang tinanggal sa trabaho? Panoorin ang ating Payong Ligal kasama si Atty. Neri Colmenares.

Payong Ligal: Freedom of expression, freelance artists rights
Sa episode na ito ng Payong Ligal, pag-uusapan natin ang rights and welfare ng mga artist.
Tutok na kasama ang ating abogado ng bayan na si Atty. Neri Colmenares!

Payong Ligal: Bakuna, mental helth, at benefits ng health workers
Tama bang hindi papasukin sa trabaho kung wala pang bakuna?
‘Yan ang sasagutin nina Atty Neri Colmenares at Atty VJ Topacio sa latest episode na ito ng Payong Ligal.

Payong Ligal: Social pension, SSS, at iba pang concern ng mga senior citizen
Sa episode na ito ng Payong Ligal, pag-uusapan natin ang social pension at iba pang mga usapin ng ating senior citizens.
Makinig kasama ang ating abogado ng bayan na si Atty. Neri Colmenares!

Payong Ligal: Mga katanungan tungkol sa ayuda at collective bargaining agreement
Sa pilot episode ng PAYONG LIGAL, si Atty Neri Colmenares ang aming inimbitahan para magbigay ng legal advice. Winner!
Meron ba kayong katanungang ligal? Ipadala nyo lang ang inyong tanong sa pinakabagong public service program ng Altermidya!

ALAB Analysis: Lockdown: Paano ang Ayuda?
Lockdown na naman! Gutom na naman ang kakaharapin ng marami ngayong bawal na namang lumabas. Paano na ang ayuda? Tayo-tayo na naman ba ang magtutulungan?
‘Yan ang pinag-usapan sa episode na ito ng #ALABAnalysis, kasama si Inday Espina Varona. Tara at makibahagi sa diskusyon kasama ang ekonomistang si JC Punongbayan at si Ana Patricia Non ng Community Pantry PH.

ALAB Analysis: President as VP: Pwede ba 'yun?
Seseryosohin na raw ni Pangulong Duterte ang plano niyang pagtakbo bilang bise presidente sa 2022. Pero ang tanong ng marami: pwede ba ‘yun?
‘Yan ang pinag-usapan sa episode na ito ng #ALABAnalysis kasama si Edge Uyanguren at dating COMELEC chairperson at kasapi ng 1986 Constitutional Commission na si Atty. Christian Monsod.

ALAB Analysis: Pride at Paglaban
Ngayong Pride Month, guests natin sa ALAB Analysis ang 2 myembro ng LGBTQ+ community: ang Filipino food historian & LGBT activist na si Giney Villar, at ang Lumad teacher na si Chad Booc.

ALAB Analysis: Atin ang 'Pinas
Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, may isang tanong na nasa isip ng sambayanan: malaya nga ba ang Pilipinas?
Sa isang banda, patuloy pa rin ang impluwensya ng US sa bansa, at sa kabilang banda, unti-unting umiigting ang panghihimasok ng China hindi lang sa West Philippine Sea kundi sa marami pang aspekto ng lipunan at ekonomiya ng Pilipinas.
‘Yan ang pinag-usapan ng ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona, Neri Colmenares ng Makabayan Coalition, at si Bobby Roldan, isang mangingisdang pumapalaot sa Scarborough Shoal.

ALAB Analysis: Terrorist designation?
For longtime peace consultants Prof. Jose Ma. Sison and Rafael Baylosis, what does it mean to be labeled as "terrorists" under the Anti-Terrorism Act?
Listen to the exclusive interview by veteran journalist Inday Espina-Varona at #ALAB Analysis!

ALAB Analysis: Nasaan ang pangulo?
Trending ang 'Duterte Resign' online petition sa gitna ng mga batikos sa tugon ni Pang. Duterte sa pandemya, krisis sa ekonomiya, at panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.
Guests sina Dean Mel Sta. Maria ng FEU Institute of Law, at public interest lawyer Dino De Leon para palalimin ang tanong, "Nasaan Ang Pangulo?"

ALAB Analysis: Covid-19: Ang totoo sa likod ng numero
Habang lumalala ang COVID-19 batay sa datos, tumitindi rin ang paghihirap ng mamamayan. Alamin ang realidad sa likod ng mga numero sa ALAB Analysis, hosted by veteran journalist Inday Espina-Varona.
Makakasama sa episode na ito sina Prof. Peter Cayton ng UP Covid-19 Pandemic Response Team at dating NAPC chair Liza Maza.

ALAB Analysis: 'Tokhang' sa mga aktibista?
Hindi natapos sa malagim na 'Bloody Sunday' ang kalbaryo ng mga kaanak ng mga biktima. Tila nakipagpatintero pa sila sa pagkuha sa mga labi ng kanilang mga yumaong kaanak. Ano ang katotohanan sa likod ng 'Tokhang'-style na pagpatay at paghuli sa mga aktibista noong Marso 7?
Tatalakayin 'yan sa pinakabagong episode ng ALAB Analysis kasama sina Inday Espina-Varona, Atty. Jasmin Regino ng Commission on Human Rights, at Atty. Rey Cortez ng National Union of People's Lawyers.

ALAB Analysis: Batang Lumad, saan pupunta?
Matapos ang pagsugod ng mga pulis sa Lumad bakwit school sa Cebu noong February 15, nasaan na ang mga bata ngayon? Paano na ang kanilang edukasyon? Bakit nangyari ang raid?
Tatalakayin lahat 'yan ngayong gabi sa pinakabagong episode ng ALAB Analysis, kasama sina Atty. Noemi Truya-Abarientos ng Children's Legal Bureau at Meggie Nolasco ng Salugpungan Schools.

ALAB Analysis: Cha-cha ni Duterte: Bagong banta, lumang agenda?
Sa gitna ng pandemya, Charter Change o cha-cha ang prayoridad ng Kongreso ngayon. Ang sabi ng mga mambabatas, makakatulong daw ang pagbabago sa economic provisions ng Konstitusyon para mas maraming makapasok na foreign investments at makabangon ang bagsak na ekonomiya.
Ano ang tunay na motibo sa likod ng pinakabagong tangka sa cha-cha. Pakinggan ang talakayan kasama sina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at ekonomistang si Sonny Africa ng IBON Foundation sa pinakabagong episode ng ALAB Analysis!

ALAB Analysis: Bakuna, nasaan na?
Mag-iisang taon na tayong nasa pandemya ng COVID-19. January 30, 2020 nang nareport ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa. Matapos ang isang taon, May mga bakuna nang nagawa laban sa virus, pero 'di pa rin malinaw ang mga detalye ng vaccine rollout program.
Samahan sina Inday Espina-Varona, community doctor Leonard Javier, at Leni Nolasco ng Filipino Nurses United sa pagtalakay ng mga importanteng puntong dapat busisiin sa vaccination program dito sa pinakabagong episode ng Alab Analysis!

ALAB Analysis: Human rights emergency
Human rights emergency: This is how human rights advocates describe the human rights situation in the Philippines.
How will the Filipinos face this situation? Join the discussion with human rights lawyers Atty. Chel Diokno, Atty. VJ Topacio, and Karapatan's Tinay Palabay.

ALAB Analysis: Trump's defeat, what are the lessons for the Philippines?
In this episode, we talk about the US elections and the lessons the Filipino people can derive from it. Join the discussion with BAYAN USA's Rhonda Ramiro and UP Center for International Studies' Prof. Sarah Raymundo.

ALAB Analysis: Why is red-tagging alarming?
Why is there a need for a pushback against red-tagging? This episode is all about RED with human rights lawyer Atty. Maria Sol Taule and writer Joel Pablo Salud.
Join the conversation!

ALAB Analysis: Ban and delete Facebook?
In this episode, we'll talk about President Rodrigo Duterte's threat to ban Facebook in the Philippines with Rappler's Maria Ress and Gemma Mendoza and blogger/columnist Tonyo Cruz.

ALAB Analysis: Deployment ban on nurses, is it just?
Nurses who want to work abroad are being accused of being unpatriotic. In this episode, we will discuss the deployment ban on nurses with Maristela Abenojar of Filipino Nurses United. Listen to ALAB Analysis hosted by veteran journalist Inday Espina-Varona.

ALAB Analysis: Social protection & budgeting the COVID-19 response
Where did the funds for emergency cash support and response go? Former DSWD Sec. Judy Taguiwalo and Ken Abante of CItizens’ Budget Tracker discuss the weaknesses of social protection and public budgeting in the time of pandemic.

ALAB Analysis: Artists Against Terror Law
Directors Bibeth Orteza and Carlitos Siguion-Reyna discusses the effect of the Anti-Terror Law on artists and artistic expression.

ALAB Analysis: COVID-19 response: A crisis in leadership?
Public health specialist Dr. Tony Leachon, former adviser to the national taskforce on COVID-19, talks about the reforms in leadership needed to respond to the pandemic.

ALAB Analysis: The dangers of the Anti-Terrorism Bill
Senator Francis Pangilinan, one of the lawmakers who voted against the Anti-Terrorism Bill, explains why the controversial measure is unconstitutional as well as dangerous to our civil liberties.

ALAB Analysis: Free speech on lockdown?
Multi-awarded broadcast & digital journalist Atom Araullo discusses the importance of free expression especially during a public health crisis, and why we should call out intolerance to criticism both online and on the ground.

ALAB Analysis: Mass testing, what's the real score?
Dr. Gene Nisperos of the UP College of Medicine shares the reasons behind delays in mass testing and the Philippine government’s poor response to the COVID-19 pandemic.

ALAB Analysis: Our rights under the COVID-19 emergency law
Former Supreme Court spokesperson Atty. Theodore Te discusses the dangers of the Bayanihan to Heal As One Law on our civil liberties, and how we can protect our basic rights under the COVID-19 health emergency.

ALAB Analysis: POGO and Chinese workers
Nikki Tutay and Ana Dione of the Department of Labor and Employment (DOLE) discusses the situation of the POGO (Philippine Offshore Gaming Operation) industry and if Filipino workers are really at a disadvantage.