
What The F?! A VERA Files Podcast
By VERA Files
---
WE WANT TO HEAR FROM YOU! If you were to have a 5 to 10-minute conversation with a prominent person, who would it be? Answer our quick survey! vera.ph/WhatTheFSurveySPOTIFY

What The F?! A VERA Files PodcastNov 26, 2023

Abortion: Katawan ni Eba, Desisyon ni Adan
Nakipagkwentuhan ang VERA Files tungkol sa usapin ng abortion kay Atty. Claire Padilla, tagapagsalita ng Philippine Safe Abortion Advocacy Network, para sa ika-28 episode ng What The F?! Podcast.

Konsehal, kapitan, kagawad… Kapamilya?
Maraming insidente ng karahasan ang nauulat tuwing nalalapit ang eleksyon lalo na sa lokal na pamahalaan, ayon sa pag-aaral ng Ateneo School of Government.
Bakit humahantong sa patayan ang away para sa mga pwesto sa barangay, ang pinakamaliit na unit ng pamahalaan?
Alamin sa ika-27 na episode ng What The F?! Podcast:

Ano ba ang ambag ng SK?
Mahigit kalahating milyon ang nag-file ng certificate of candidacy para sa halos 336,000 na bakanteng posisyon sa Sangguniang Kabataan (SK) sa buong bansa para sa halalan ngayong Oktubre 30.
Dati ipinaa-abolish na ang SK, pero para saan ba ang SK at ano ang ambag nito sa demokrasya?
Alamin sa ika-26 na episode ng What The F?! Podcast.

‘Para tayong magnanakaw sa sarili nating pag-aari’
Mistulang mga magnanakaw sa sariling bakuran. Ganyan ang nararamdaman ng mga mangingisdang Filipino tuwing mapapalapit sa Scarborough Shoal, 224 kilometers mula sa Zambales.
Nitong mga nakaraang taon, mahigpit na ang pagbabantay ng China sa 150-kilometrong lagoon sa Scarborough. Kasabay nito ang paglala ng mga problemang binubuno ng mga mangingisda sa laot— kakaunti at maliliit na huling isda, mataas na presyo ng langis, pati na ang kakulangan sa gamit.
Dito sa Episode 25, Season 2 ng What The F?! Podcast pakinggan ang mga hinaing ng mga mangingisda na aming nakausap sa Masinloc at Candelaria sa Zambales.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
Music credits:
Free Music Archive, Departure by UNIVERSFIELD (Attribution-NonCommercial-ShareAlike 4.0 International), Aug. 6, 2023

Marcos Sr. at Jr.: Paano nagkaiba sa polisiya sa media?
Naging editor in chief ng Malaya na tinawag na “mosquito press” noong panahon ng martial law at ngayon ay editor in chief ng Business Mirror, ano kaya ang masasabi ni Lourdes “Chuchay” Fernandez sa pagkakaiba ng estado ng press freedom sa ilalim ng pamumuno ng anak ng diktador, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.?
Sasagutin ‘yan sa ika-24 na episode ng What The F?! Podcast Season 2.

Suporta ng masa, susi sa tagumpay ng ‘mosquito press’
Paano nabuhay Ang Pahayagang Malaya, isang opposition newspaper na tinawag na “mosquito press” noong rehimen ni Ferdinand Marcos Sr.?
Sa paggunita ng ika-51 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa Pilipinas noong Sept. 21, nakausap ng VERA Files si Lourdes “Chuchay” Fernandez, ang kauna-unahang babae na naging editor-in-chief ng national daily newspaper sa kasaysayan ng pamamahayag sa bansa.
Pakinggan ang aming kwentuhan sa ika-23 episode ng What The F?! Podcast Season 2.

Si Macli-ing Dulag sa Mata ng taga-Cordillera
Para siguraduhing hindi makalilimutan ng mga taga-Cordillera ang kabayanihan nina Macli-ing Dulag, Pedro Dungoc Sr. at Lumbaya Gayudan, may monumento na itinayo sa Kalinga noong 2017 bilang pagkilala sa kanilang pakikipaglaban noong panahon ng martial law.
Pero kasabay ng lumalalang pagbaluktot sa kasaysayan, tinanggal ang monumento noong 2021, sa utos umano ng pulis. Alamin dito sa Episode 22, Season 2 ng “What the F?!” podcast kung ano na ang nangyari sa Anti-Chico Dam Heroes Monument sa Bugnay, kung saan naging punong barangay si Macli-ing.

‘Tayo ang Pag-aari ng Lupa’
Dekada 70, naging matunog ang pangalan ni Macli-ing Dulag, lider ng tribo sa Kalinga. Hindi mataas ang kanyang pinag-aralan pero may tapang na lumaban sa diktaduryang Marcos para sa daan-libong kababayan.
Kilalanin si Macli-ing Dulag dito sa Episode 21, Season 2 ng "What the F?!" Podcast ng VERA Files.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast

‘Ano ang nagbago pagkatapos ng Martial Law?’
Naudlot man ng labing-isang taon, ipinagpatuloy ni Teresita Ang See ang mga hangarin nitong pagbuklurin and Tsinoy community tungo sa kaunlaran ng bansa.
Pakinggan sa Episode 20, Season 2 ng What The F?! Podcast kung paano bumuo si Ang See ng bagong organisasyon noong 1986, anim na taon pagkatapos ng martial law.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast

‘Walang pagkakaiba ‘yung pagiging Tsinoy ko sa pagiging Pinoy n’yo’
Para sa Tsinoy activist na si Teresita Ang See, hindi dapat maging hadlang ang lahi, lenggwahe at kulturang kinalakihan para makialam sa estado ng bansa.
Pakinggan ang kanyang kwento sa contribution ng Tsinoy community noong panahon ng Martial Law dito sa What The F?! Podcast ng VERA Files.
#MartialLawSpecials #TeresitaAngSee #Tsinoy

Bagong '10-dash' map ng China, hahayaan na lang ba?
Matapos maglabas ng bagong “10-dash line” map ang China, ano ang pwedeng gawin ng Pilipinas para tablahin ang pang-aangkin nito sa halos buong South China Sea? Pakinggan ang mga suhestiyon ni Dr. Chester Cabalza, dito sa episode ng #WhatTheFPodcast. Visit: https://verafiles.org/section/podcast

Bakit inaangkin ng China ang South China Sea?
Umani ng kaliwa’t kanang batikos ang China matapos itong maglabas ng bagong “standard map” noong Aug. 28.
Pakinggan si Dr. Chester Cabalza, isang security analyst, kung ano ang intensyon ng China sa pagpapalabas ng bagong mapa.

Human trafficking: Bakit pahirap sa byahero ang solusyon?
May balak ka bang magbyahe sa ibang bansa? Bakasyon engrande o bibisita sa kamag-anak o kaibigan?
Kamakailan, naglabas ng listahan ng departure requirements ang Inter-Agency Council Against Trafficking para raw protektahan ang Filipino travelers at siguraduhin na hindi sila mabibiktima ng mga sindikato ng human trafficking. Makalipas ang isang linggo, Aug. 31, sinuspende ito ng Department of Justice.
Ikaw, ano'ng say mo?

‘Sir, hindi ka nang-iiwan ng tao mo.’
Katapangan. Kabayanihan. Pagsisilbi sa bayan. Ano nga ba ang kabuluhan ng pagiging Medal for Valor awardee?
Pakinggan ang kwento ni retired colonel Ariel Querubin, isa sa most bemedalled officers ng AFP, dito sa What The F?! Podcast.

Ang kalbaryo para sa mas ligtas na kalsada
Pakinggan ang saloobin nina Roland Simbulan – asawa ni Chit Estella-Simbulan, isa sa founders ng VERA Files at nasawi sa road crash noong 2011, at ni Atty. Sophia San Luis ng ImagineLaw sa episode na ito ng What the F?! podcast.

Damit, ano ba ang tamang gamit?
Naging usap-usapan si Sen. Imee Marcos nang sabihin niyang “suot niya ang buong Cordillera” sa huling State of the Nation Address ng kanyang nakababatang kapatid, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ano ba ang ibig sabihin nito para sa indigenous peoples communities?

Ano ang bago sa Bagong Pilipinas?
Bagong logo, bagong slogan, "Bagong Pilipinas"... Ramdam mo ba ang pagbabago?
Pakinggan ang usapan ng editors ng VERA Files tungkol sa ikalawang State of the Nation Address ng Pangulo dito sa Episode 12, Season 2 ng What The F?! Podcast.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast

Sa SONA, bawal ang nega?
Paano na ang mga usapin sa West Philippine Sea at soberanya ng bansa? Eh, ang imbestigasyon sa drug war ng Duterte administration?
Pakinggan ang usapan ng editors ng VERA Files:
Visit: https://verafiles.org/section/podcast

State of the nation, ‘sound and improving’ ba talaga?
Sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, sinabi niya na "sound and improving" ang estado ng bansa. Eh, feel mo ba?
Pakinggan ang kuro-kuro ng editors ng VERA Files sa Episode 10, Season 2 ng What The F?! Podcast:

Paano uunlad sa isang… kurap?
Ano ang ginagawa ng administrasyong Marcos para labanan ang korapsyon na matagal nang nagiging hadlang sa pag-unlad ng bansa?
Pakinggan ang talakayan ng VERA Files reporters sa pangatlong episode tungkol sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

BBM, Ang Mahal Naman!
Pasakit sa mga manggagawang Pilipino ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin samantalang kakarampot ang nadadagdag sa minimum wage. Paano ito tinutugunan ng administrasyong Marcos?
Pakinggan ang usapan ng reporters ng VERA Files tungkol sa isyung ito.
Visit: https://verafiles.org/specials/sona-promise-tracker

Banat Buto More? Ang Pangako ni Marcos sa Trabaho
Sa dami ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), ano ba ang balak gawin ng pangulo para sa mga manggagawang Pilipino.
Pakinggan ang usapan ng reporters ng VERA Files tungkol sa isyung ito.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast

Gadon? Ba't naman ganun?!
Sa pag-appoint ni Pangulong Marcos kay Gadon, parang nag-dirty finger na rin s'ya sa mahihirap.
Pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.

Si Rizal at kalayaan sa kasalukuyan
Kung nabubuhay si Rizal sa kasalukuyang panahon, ano kaya ang mensahe niya sa mga kabataan na minsan n’yang tinawag na “pag-asa ng bayan”?
Alamin ang sagot ni Xiao Chua, historyador at professor, dito sa Episode 6 Season 2 ng What the F?! Podcast.

Pandemic Graduates… Job Ready Na Ba?
Mas nahihirapan daw maghanap ng trabaho ang tinatawag na pandemic graduates.
Online classes nga ba ang dahilan? Alamin dito sa Episode 5, Season 2 ng What the F?! Podcast.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast

Sa mga senador on Maharlika Investment Fund: Walk the talk
Sa dami ng reklamo at agam-agam nina Pimentel at Escudero, e bakit wala sila no’ng oras na ng botohan?
Pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.
Visit: https://verafiles.org/articles/sa-mga-senador-on-maharlika-investment-fund-walk-the-talk

‘Sinimulan ko, tatapusin ko hanggang makamit ang hustisya’
Nangako si Emily Soriano sa harap ng bangkay ng kanyang 15-taon gulang na anak na si Angelito na panagutin ang mga taong responsable sa kanyang pagkamatay. Handa siyang lumaban hanggang kamatayan para tuparin ito.
Pakinggan sa Episode 4, Season 2 ng What the F?! Podcast.
Visit https://verafiles.org/section/podcast

’DOTA player ang anak ko, hindi nagdo-droga’
Isa si Christine Pascual sa mga nanay na nagreklamo laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa ICC matapos mapatay ang kanyang anak dahil sa madugong war on drugs. Iyon na lang kasi ang nakikita niyang paraan para mapanagot si Duterte at mga kasabwat nito sa pagkamatay ng 17-taon-gulang na si Joshua. Pakinggan sa Episode 3, Season 2 ng What the F?! Podcast.
Visit https://verafiles.org/section/podcast

Hanggang may buhay, handang lumaban
Dalawang anak ni Llore Pasco ang namatay dahil sa drug war sa ilalim ng administrasyon ni Rodrigo Duterte. Sa halip na magmukmok, sumapi siya sa Rise Up for Life and for Rights para bigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga anak.

Pambabalahura kay Leila de Lima
Acquitted na sa dalawang kaso. Higit anim na taon nakakulong. Ganun-ganon na lang ba 'yun? Parang wala lang?
Pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.
Visit https://verafiles.org/articles/pambabalahura-kay-leila-de-lima

Makabuluhang oposisyon kailangan sa demokrasya
Ano ang ginagawa ng oposisyon para maging relevant ulit? May natutunan ba sila sa pagkatalo sa nakaraang dalawang eleksyon?
Pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.
Visit: https://verafiles.org/articles/makabuluhang-oposisyon-kailangan-sa-demokrasya

‘Nagpatay-patayan ako’
Nagpatay-patayan si Efren Morillo para makaligtas sa Oplan Tokhang noong 2016. ‘Yung apat na kasama niya patay lahat. Pinaghinalaan silang nagdodroga.
Pakinggan natin ang kwento ni Efren dito sa unang episode ng Season 2 ng What the F?! Podcast ng VERA Files.

Payo ni Marcos sa media laban sa disinformation
Umpisahan kaya niya sa supporters at panatiko niya, pati na rin sa mga alipores ni Duterte.
Pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.
Visit: https://verafiles.org/articles/payo-ni-marcos-sa-media-laban-sa-disinformation

Survey says...
Kung ikaw ang i-survey, paano mo masasabi na aprub ka sa performance ng presidente o bise presidente?
Alamin sa komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.
Read: https://verafiles.org/articles/survey-says

Bakit ICC ang kailangan na mag-imbestiga sa drug war ni Duterte?
Sino dapat sisihin, 'yung ICC dahil pakailamero o 'yung ilang mga opisyal at pulitiko na puro pagsipsip at pagtatakip ang inaatupag?
Pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.
Read: https://verafiles.org/articles/bakit-icc-ang-kailangan-na-mag-imbestiga-sa-drug-war-ni-duterte

Magastos ba na maging K-pop fan?
Para sa ika-24 na episode ng What The F?! Podcast, nakipagkwentuhan ang VERA Files sa K-pop fans na sina Chesa at Erik para malaman kung bakit patok na patok ang pangongolekta ng photo cards, albums at iba pang merchandise. Makaka-relate ka kaya sa kanila?
Watch: https://verafiles.org/articles/magastos-ba-na-maging-k-pop-fan

Hindi dapat forever ang Kawa
Kawa-kawang manok, kawa-kawang gulay, kawa-kawang pagkain na katumbas ay kawa-kawang pagmamahal para sa kapwa. Nagsimula sa kasagsagan ng pandemya at nagpapatuloy hanggang ngayon sa tulong ng pusong mapagkawang-gawa. ‘Yan ang Kawa Pilipinas na itinaguyod ng aktor-aktibista na si Mae Paner o mas kilala na Juana Change.
Pakinggan ang kanilang kwento at adbokasiyang “food revolution” dito sa Ep. 23 ng What the F?! Podcast.
Read: https://verafiles.org/articles/hindi-dapat-forever-ang-kawa

Gusto kong mag-bike, pero ... safe ba?
Paano magiging ligtas gamitin ang bike lanes?
Read: https://verafiles.org/articles/gusto-kong-mag-bike-pero-safe-ba

Paglaban ng Palasyo sa disinformation
Step 1: Simulan sa sariling bakuran.
Pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.
Read: https://verafiles.org/articles/paglaban-ng-palasyo-sa-disinformation

EDSA sa panahon ni Bongbong: Awkward
Mas maganda kung may kasamang hustisya sa reconciliation. Pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo.
Read: https://verafiles.org/articles/edsa-sa-panahon-ni-bongbong-awkward

People Power sa lente ni Bullit
Nakaukit na sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga litrato ng EDSA People Power Revolution na kuha ng batikang photojournalist na si Bullit Marquez.
Para sa ika-21 episode ng What The F?! Podcast, binalikan ni Bullit ang kwento ng apat na araw niyang coverage noong Pebrero 1986.
Read: https://verafiles.org/articles/people-power-sa-lente-ni-bullit

Arroyo pasimuno sa pagdepensa kay Duterte
Kailangan ba ni Rodrigo Duterte ang ganitong depensa? Akala ko ba handa niyang harapin ang ICC?
Alamin sa komentaryo ni Christian Esguerra sa VERA Files ngayong linggo.
Read: https://verafiles.org/articles/arroyo-pasimuno-sa-pagdepensa-kay-duterte

ICC probe sa drug war: Ang susunod na kabanata
Sa desisyon noong Enero 26, sinabi ng Pre-Trial Chamber na hindi naipakita ng gobyerno ng Pilipinas na masusi nitong iniimbestigahan ang matataas na opisyal na utak o nagpatupad ng mga krimen. Hindi rin umano sinisiyasat ang mga posibleng “pattern” o polisiya sa pagpatay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa droga.
Nakapanayam ng VERA Files si Romel Bagares, isang abogado na dalubhasa sa international law, upang ipaliwanag ang mga proseso sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ni ICC Prosecutor Karim Khan.
Pakinggan sa episode 20 ng What The F?! podcast.
Read: https://verafiles.org/articles/icc-probe-sa-drug-war-ang-susunod-na-kabanata

Love at first swipe
Habang patuloy na pumapatok ang dating applications, may pag-asa bang mahanap ang "the one" gamit ang cellphone?
Pakinggan dito sa Episode 19 ng "What The F?!" podcast kung paano nabuo ang love story nina Paolo Capino at Sai Francisco.
Read: https://verafiles.org/articles/love-at-first-swipe

Kung hindi kriminal, bakit takot sa ICC?
Oras na para panagutin ang mga promotor at nagpatupad ng drug war.
Subaybayan ang komentaryo ni Christian Esguerra sa VERA Files ngayong linggo.
Read: https://verafiles.org/articles/kung-hindi-kriminal-bakit-takot-sa-icc

Mabubuhay ka ba ng walang sibuyas?
Sa pagpasok ng bagong taon, umabot sa P750 hanggang P800 kada kilo ang presyo ng sibuyas na dating nasa P60 lang. Tanong ng maraming Pinoy: Bakit nagkakaganito?
Read: https://verafiles.org/articles/mabubuhay-ka-ba-ng-walang-sibuyas

Pagpapalaya kay De Lima, isyu ng tama at mali
Tama bang isakripisyo si De Lima para lang hindi magalit si Duterte?
Ngayong linggo, pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra sa VERA Files.
Read: https://verafiles.org/articles/pagpapalaya-kay-de-lima-isyu-ng-tama-at-mali

PNP cleansing, seryoso ba?
Dapat panagutin ‘yung mga pulis na walang habas na pumatay dahil sa drug war.
Pakinggan ang podcast episode kasama si Christian Esguerra ngayong linggo.
Read: https://verafiles.org/articles/pnp-cleansing-seryoso-ba

Bakit gigil na gigil ipasa ang Maharlika fund bill?
Sana lang hindi magpakatuta ang mga senador; protektahan nila ang kapakanan ng sambayanang Filipino.
Read: https://verafiles.org/articles/bakit-gigil-na-gigil-ipasa-ang-maharlika-fund-bill

Gender equality: Kung hindi ngayon, kailan?
Ipinahayag ni Justice Secretary Boying Remulla kamakailan na hindi pa raw handa ang Pilipinas na magkaroon ng batas na magsusulong sa same sex marriage at anti-discrimination batay sa sexual orientation, gender identity, at gender expression.
Read: https://verafiles.org/articles/gender-equality-kung-hindi-ngayon-kailan